Huwebes, Hunyo 29, 2017

Paraan sa pagpapanatili ng Kalikasan

Ang ating kalikasan ay nasisira na dahil sa mga masasamang ginagawa ng mga tao ngayun. Kailangan na nating aksiyonan upang hindi ito patuloy na masira. Ito ang mga limang paraan para mapanatili nating ang ating kalikasan sa pagkakasira:

1. Huwag Magtapon ng mga Basura sa Paligid
- Ngayong panahon, kahit mayroong ng mga basurahan sa paligid ay hindi parin napipigilan ang pagkalat ng basura sa paligid. Kailangan natin ng disiplina na tayo ang magsimula sa pagdidisiplina na hindi magkalat ng basura sa paligid.

2. Huwag Magsunod Ng Mga Basura
- Hikayatin ang lahat ng tao na huwag nang magsunod ng basura dahil sinisira nito ang ating atmospera at sa susunod pang panahon ay sisirain ang ating buhay at ang kalikasan.

3. Iwasan na ang pagputol ng mga puno at halaman
- Maghikayat sa mga taong mahilig magputol ng puno at sa mga kabataan na sinisira ang mga tumutubong puno at halaman na huwag nila itong patayin dahil hindi lalago ang kalagayan ng kalikasan.

4. Disiplina sa paggamit ng kuryente
- Ngayong panahon, talamak na ang sobrang paggamit ng kuryente. Dahil dito, ang kinukunan na enerhiya ng kuryente na ang kalikasan ay magkakaroon ng ubusan ng pinagkukunan tulad na lang ng tubig para sa kuryente.

5. Pagtuturo sa mga kabataan
- Sa pagpapaalam sa kabataan kung paano panatilihin ang kalikasan, mabibigyan ng malaking importansiya ng mga susunod na henerasiyon na alagaan ang ating kalikasan at magkakaroon sila ng magandang buhay.